Where do broken hearts go?!

Where do broken hearts go nga ba talaga tita Whitney?

Where do broken hearts go? Can they find their way home? Back to the open hearts of a love that’s waiting there.

Napa panood ka ba ng That Thing Called Tadhana o  kaya napa sing along kay Whitney Houston, umaasang masasagot na ang ultimate questiong  ito that will turn your life around?

Where do broken hearts go?

Saan ba talaga pumupunta ang mga sawing puso?Kung talagang naglalakad ang mga puso, matagal na siguro akong nilayasan ng puso ko dahil pauulit ulit ko lang din itong nasasaktan. Buti nalang talaga walang itong paa.

Sabi ng Merriam  Webster, a heart is an the organ in our chest that pumps blood through our veins and arteries. It is also thought of as the place where emotions are felt. Sabi ko naman, ang puso hindi man nagkakapaglakad, tumitigil naman ito sa pag tibok.

Iniwan ka na ba? Na reject ka na ba? Nasaktan ka na ba?  Kung hindi, eh di ikaw na! Tao ka ba?! Kasi lahat ng nilalang sa mundo, iba iba man ang naging karanasan, ipinanganak na may puso at marunong magmahal.Uulitin ko. Iniwan ka na ba? Na reject ka na ba? Nasaktan ka na ba? If yes, laslas..chos!

Sabi sa Proverbs4:23, the heart is the wellspring of life. Everything flows from it. Mabuti ng alam natin kung ano nga ba ang isang bagay bago natin ito gamitin para maiwasan ang pagkasira diba? Doon kasi ako nagkamali, dahil sa sobrang excitement ko kung ano ang nagagawa ng pagmamahal sa buhay ng iba, akala ko basta ginagamit mo ito, magkakaroon ka rin ng masaya resulta.

Kabilang man sa tropahang NBSB, I chose to love in such a way that will cause multiple damage in my heart. Nagkagusto ako sa bestfriend ko kaya lang pinanindigan niya yung friendship. Tinulungan ko yung kinakapatid ko manligaw sa ka tropa ko. Inilaan ko more than half of my time sa pagtulong makamove on yung batchmate ko. In the end, hindi ko rin natagpuan ang happily ever after.

Heart break after heart break, besides sa mga kaibigan kong wala ring nagawa kundi saluhin ang emotional vomits ko, kung ano anong marathon, hobby at vices ang pinuntahan ko. Sa huli hindi lang ako ang nasaktan kundi pati narin ang mga taong malalapit sa akin.

Dahil sa multiple damage na tinamo ng puso ko dahil hindi ko ito binantayang mabuti at ginaya ko lang yung ibang tao sa paggamit nito. One day, lumagpak nalang ako sa sahig at napatanong, “where do broken hearts go?!”

Buti nalang the Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit (Proverbs34:18). At the pit of my despair, siya ang nag abot ng kamay niya. Ibigay ko ang brokeness ko at kinuha niya ng walang hinihinging kapalit.

Pansamantala, unti unti niya itong binuo. Tinangal lahat ng basura at tinik na nagpapahirap sa paghinga ko. At nung akala ko na tapos na at okay na ako, bigla niya itong kinuha. Nagpanic ako, akala ko mamamatay na ako.Ngunit yun pala ibibigay niya sa akin ang kanyang puso. Hindi na broken, bagong bago pa. Yung parang amoy ng  notebook na galing pa sa pabrika! San ka pa!?

So God created mankind in his own image, in the image of God he created them; male and female he created them (Genesis1:27).Where do broken hearts go? Eh di sa gumawa ng puso mo, yung gumawa sayo.Dahil kapag ba ang relos nasira sa casa ang punta? Kapag ba ang laptop nasira tubero ang tatawagin?

Ngayon alam mo na kung saan pupunta, wag ka na mag roadtrip. Baka maaksidente ka pa! 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s